Ang pinto ng hardin ay naiwang bukas
ang kadena ay luma't madaling makalas
kung magkulang man ang talulot ng rosas
sundan mo sa hangin ang iniwang bakas
Sa labas ng hardin ay naroon ako
nakatapak sa anino at ang tanaw ay malayo
sa aking mga kamay ay iyong matatanto
hawak ang halimuyak na walang sing bango
Sapgakat lumalamig din ang tubig sa may bukal
at walang bagay ang maaaring magtagal
ang pagbabago ay hindi mabagal
ang naglaho na ay di na maikakalakal
Itanim muli ang natirang halimuyak
diligan ng ulan mula sa bawat patak
hayaang magbunga ng bagong bulaklak
nang sa iyong lungkot humalili ay galak
At sa tuwing malalanta ang talulot sa hardin
wag itong hayaang lumipad sa hangin
ilagay sa paso at ito'y diligin
ito'y ipunin, alagaan at pagyamanin
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment