
Nadapa ka at natutong bumangon
Nalunod ka muna bago ka naka-ahon
Nauna kang umiyak bago tumawa
Ilang ulit nagkamali bago tumama
At nakita mo ang pag-ikot ng mundo
Kahapon’y walang kulay at ngayo’y punumpuno
Isang tagpo sa aklat ng ‘yong buhay
Isang larawan nang iyong tagumpay
At sa paglipas ng ilang segundo
Sa isang iglap makikita mo
Pipitikin muli ng iyong tadahana
Ang ngayong mga kulay bukas ay mawawala
At madadapa kang muli pagkabangon
Malulunod muli habang umaahon
Luluha muli pagkatapos ng saya
Masusundan ulit ng mga mali ang tama
- jrdg
No comments:
Post a Comment