
at walang nagawa kundi tumalima;
walang katumbas ang pagkakasala,
kaya’t sa pag-uwi ay di na nakita.
Ngayong wala na ito sa aking harapan,
nakadama ng bigat at ito’y pinapasan;
tiklop-tuhod itong pinagsisisihan,
ngayon, bukas at hanggang kamatayan.
Sa sariling bubong ikaw’y nakayapak,
puyos at galit sa iyo’y itinarak;
isang bagay lamang iyong natitiyak,
mga luha sa mata ay hindi ipapatak.
Isusukat mabuti ang bagong sapatos,
na ang mga sintas ay sa iba nakagapos;
makalakad man ika’y di makakakilos,
makakilos man ika’y magkakagalos.
Tumalikod ka at ikaw ay hinamak,
umagos ang dugo sa papel mong hawak;
ipininta ang buhay sarili’y itinulak,
palabas ng tahanan anino’y nawasak.
Sa paglisan ng tala sa kalangitan,
sa pagpanaw ng araw sa dakong kanluran,
sa pagbawi ng ilaw sa ngiti ng buwan,
dahan-dahang inagos sa kalawakan.
Alinmang tula na maiilathala,
ay di ganap bumuo ng diwa;
na magtatalop sa mga salita,
ng pusong nalulunod sa pangungulila.
No comments:
Post a Comment