Wednesday, April 7, 2010

White Wave

Patawarin mo, o buwan,
di sinasadyang higitan;
ng kanyang karikitan
ang taglay mong kagandahan.

Patawarin mo, o araw,
wag ka munang sumungaw;
taglay mong init ay di pataw
sa liyab na nangibabaw.

Patawarin nyo, mga munting bituin,
na sa langit ay nakabitin;
hindi sapat ang taglay nyong ningning
sa nakatutunaw niyang mga tingin.

O buwan, araw at mga bituin,
panibugho ninyo’y aking diringgin;
ngunit ako sana’y inyong patawarin
nang maibaling sa iba ang aking pagtingin.

- jrdg

No comments:

Post a Comment