
Nasaan na ako?
Ang haba ng pila,
buhol-buhol, liku-liko,
hindi makahinga.
Patung-patong ang anino,
nabubukod and diwa;
di mahanap ang pinto,
tuliro at balisa.
Tangan nila’y sulo,
’sing liwanag ng tala;
hawak ko ay dugo,
sugat ng tiwala.
Lumaban man ay bigo,
buhay man ay itaya;
mananatiling nakayuko,
ibigin mang tumingala.
Sa isang silid na puno,
walang sibol ng pag-asa;
bulungan mang wag sumuko,
ay hahapin ang paglaya.
- jrdg 08-26-09
No comments:
Post a Comment